|
like all first times, the OB experience is a cherished moment. first time kong nasuot ang scrub suit na kasing kulay ng mga ugat na nananalaytay sa katawan ng tao (naks!). first time kong nakakita ng isang sanggol na dahn-dahang niluwa galing sa sinapupunan ng isang babaeng ni hindi ko nasilayan ang mukha. first time kong naobserbahan na isang katakot-takot na sakit pla ang dadanasin ng isang ina mailabas lamang ang bunga ng isang gabing kaligayahan (kahit na unwanted naman siguro, maligaya ang dalawang taong nagmamahalan habang ginagawa nila yung "yun-na-yun", hehehe). first time kong nakumpirma na talagang napakabobo ko sa anatomy ("PESTEcide nmang eskwelahang ito,oo. yung crouching lola pa ang naitapon sa amin para mapag-aralan. hindi ko na natatandaan kung meron ba si lola nung rectus sheath!). first time kong nakita ang pulse oximeter (sa dulo pala ng daliri kinakabit?). first time kong makakita ng cervix ( i dont want to elaborate...zip-zip-zip!). first time kong makakain ng piaya na banana flavor!! (paborito ko pong prutas---confirms MY descendants...in case, hindi ho kau naniniwala kay Tatay CHARLES- eh appear ho tau! pero pag tumingin ka sa salamin, minsan naiisip mo yun di ba? kahit hanggang subconscious lamang. kaya nga naisip yun ni Tatay Charles eh. nasa ego nya na yun sabi ni Nong Sigmund).First time kong makapasok sa OR (sa DR, asus, andaming beses na... salamat sa OA kong mama).
|
| Leave a Comment: |